About Us

 Mahigit sa 90 milyong tao sa mundo ang nangangailangan ng prosthetics at orthotics na walang kakayahan na makabili nito. Ang Instalimb ay gumagamit ng kauna-unahang 3D-CAD, 3D printing at machine learning (Al) na teknolohiya upang makalikha ng mura at mataas na kalidad na 3D prosthetics at orthotics, at maaring matanggap kahit saan man sa mundo.

Waiting List

Here's Tagalog Translation for posting. I also asked mam Xia to proofread this.----Ikaw ba ay sumuko na sa pagkakaroon ng prosthetic leg? Kung ikaw ay nangangailangan ng donasyon para magkaroon ng prosthetic leg, maaari mo kaming kausapin tungkol dito. Dahil kung ikaw ay nakarehistro na sa aming “waiting list”, maaari ka naming matulungan upang makahanap ng makakapag-donasyon para sa iyo.Kami sa Instalimb, ay hindi susuko sa paggawa ng prosthetic legs para sa lahat ng nangangailangan nito sa Pilipinas. Ang bawat isa ay may karapatang ibalik ang kanyang buhay sa  normal na estado. Sa pamamagitan ng prosthetic leg, maaaring magkaroon ng trabaho ang mga amputee. Marami kaming kilalang nakapag-simula sa pagta-trabaho ng may prosthetic leg at matagumpay na naibalik ang kanilang normal na buhay.Isang halimbawa na rito ay si Jose, na isa sa aming mga pasyente, na ngayon ay hindi na kailangan ng tulong ng iba dahil sa kanyang prosthetic leg. Sa pagtatrabaho bilang isang driver ng motorsiklo ay kumikita siya ng kanyang sariling pera para sa  kanyang mga gastusin. At isa pa, ang nanay ni Jose ay nagkaroon na ng mas mataas na sweldo dahil hindi na nya kailangan pang lumiban sa trabaho upang alagaan pa ang kanyang anak. Sa pamamagitan nito, si Jose ay naging matagumpay sa pagiging stable ng buhay ng kanyang pamilya.Si Jose ay nagsikap na magkaroon ng prosthetic leg upang maibalik ang kanyang pamumuhay nang normal. Kahit kayo ay naputulan ng paa, hindi dito nagtatapos ang inyong buhay. Maaari pa ring manumbalik ang buhay mo sa dati. Kung ikaw ay walang trabaho o pera upang makabili ng prosthetic leg sa ngayon, ang iyong unang dapat gawin ay puntahan o kausapin kami tungkol dito.Kung hindi mo kayang bumili ng prosthetic leg sa ngayon, maaari ka namin mahanapan ng makakapag-donasyon para dito. Bakit hindi mo i-register ang iyong sarili upang maibalik sa dati ang iyong pamumuhay?Muli, ang aming misyon ay makapagbigay ng mga prosthetic leg para sa mga nangangailangan nito sa Pilipinas. Gagawin namin ang lahat ng aming makakakaya para dito. Ito ay aming pangako.

Voice
Doctor's Voice

 Siguradong maitataas ng sistemang ito ang bilang ng mga gumagamit ng prosthetic leg.

Gamit ang wastong prosthetic leg na aming magagawa, ang mga pasyente ay mas magiging kumportableng makihalubilo sa komunidad nang mas may kumpiyansa.

(Dr. Bundoc-Doctor, University of the Philippines General Hospital)

Prosthetist's Voice

 Ang mga karaniwang prosthetics ay nangangailangan ng mahabang oras o panahon bago magawa at ito rin ay mahal. Ang Instalimb ay makikinabang sa parehas na prosthetist at pasyente dahil mas maikli na lamang ang panahong kinakailangan sa pag-gawa ng prosthesis. Ito rin ay maganda sa paningin dahil ito ay mukha talagang kopya ng isang totoong binti ng pasyente. Maganda. Ang produktong ito ay may kakayanang mapabuti ang kalidad ng buhay ng mga pasyente.

(Julian-Certified Prosthetist&Orthotist, University of the Philippines - Philippine General Hospital) 

User's Voices

 Sobra akong nasisiyahan. Tama ang sukat sa aking binti at napakagaan. Mas madali ko nang nagagawa ang aking mga gawain araw-araw. Ito ay nakahugis na parang isang tunay na binti, kaya hindi na ako kinukutya ng ibang tao.

(Jane-Instalimb User)

 Dahil sobrang gaan nito, mas madaming bagay na ang kaya kong gawin ngayon tulad ng mga gawaing bahay at paghahardin. Hindi nababasa ng tubig ang loob nito kaya naman pwede pa rin itong gamitin tuwing maliligo. Napakalaking tulong para sakin nitong prosthetic leg ng Instalimb.

(Richard-Instalimb User)

 
 

Technologies

AI

3D-CAD

3D-Printer & Material

Prosthetics Design

 Ang machine learning (AI) ay  makakatulong upang magamit ng lahat ang paggawa ng prosthetics na parang mayroon silang kakayahan ng isang propesyonal na prosthetist at orthotist.

Gamit ang sarili naming 3D-CAD  para sa pagdidisenyo ng prosthetics, mas mabilis ang pag-gawa kumpara sa tradisyonal na paraan.

Gayundin, ang paggamit sarili naming 3D printer at mga materyales ay matagumpay na nakabawas sa tagal ng produksyon mula sa 1/10 ng normal na proseso ng produksyon.

Ang pagbuo ng bagong  prosthetic leg na disenyo para sa paggawa ng 3D na teknolohiya ay nabigyan ng 1/10 ng presyong kumbensyonal ay naisatupad.

Media & News

  • Ang TechCrunch ay isa sa pinakasikat na start-up media sa Japan ay naglathala ng isang artikulo tungkol sa pagsisimula ng aming negosyo sa Pilipinas at sa pagtustos ng puhunan dito. (Hunyo 2019)

  • Ang Instalimb ay may JPY 84 milyon galing sa third-party allocation, Keio Innovation Initiative and Deep Core, at nagpahayag ng pormal na anunsyo. (Hunyo ­2019)

  • Ang Nikkei Industrial News Paper, isa sa pinaka sikat na nagbabalita na pang-industriya sa Japan ay naglathala ng isang artikulo tungkol sa aming prosthetic leg business (Hunyo 2019)

  • Nagsimula kami ng prosthetic leg sales business sa Pilipinas (Mayo 2019)

  • Ang JETRO (Japan External Trade Organization) ) "The World Now-JETRO Global Eye" ay nagtatampok ng mga pagsisikap ng aming kumpanya bilang "Delivering prosthetic legs in the Philippines- first step with 3D technology" (Mayo 2019)

 
 

Team

 Ang Instalimb ay binubuo ng  grupo ng mga propesyonal na may kanya-kanyang husay sa bawat larangan na may iisang layunin na maisagawa ang kauna-uanahang 3D printer-fabricated prosthetic limb sa mundo.

 Ang pagtatrabaho at mahigpit na pakikipag-ugnayan sa mga espesyalista tulad ng device designer, former start-upper of strategic consultanting venture, prosthetist & orthotist with knowledge on CAD/CAM, AI engineer, 3D printer engineer, medical sales expert and business operations expert, ay nagbibigay-daan para magamit ang kakayahan ng lahat ng bumubuo rito na magreresulta sa pagkakabuo ng kauna-unahang maramihang pag-customize ng artipisyal na paa sa mundo.

Recruit

 Kasalukuyan kaming naghahanap ng mga aplikante para sa mga sumusunod na posisyon: Mangyaring magpadala ng mensahe sa mga sumusunod na numero kung ikaw ay interesado.

  • Liaison officer

  • Accountant

  • Prosthetist at Orthotist 

  • Sales

Contact

 

© 2019 Instalimb, Inc. All right received.

  • Facebook